‘Intense political rivalry’, inaasahan ng PNP sa darating na eleksyon

Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) ang “intense political rivalry” sa darating na eleksyon.

Pero ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, masyado pang maaga para sabihing magiging bayolente ang 2019 midterm elections.

Kasalukuyan pa rin tinatapos ng PNP ang assessment sa mga lugar na posibleng magkaroon ng mga violent incidents bukod pa sa mga lugar na tinaguriang “perrenial hotspots.”

Sa ngayon, ay wala pang inilabas na bagong listahan ng mga election watchlist areas ang PNP.

Sinabi ni Albayalde na hinihintay pa nila sa Commission on Elections (COMELEC) ang kumpletong listahan ng mga kandidato, dahil ito ang magiging basehan kung magkakaroon ng ‘intense political rivalry’ na posibleng humantong sa karahasan sa isang lugar. | ulat ni Leo Sarne