Integrated Records Management Office ng Civil Service Commission, mananatiling bukas hanggang Mayo 9 at 11

Mananatiling bukas ang operasyon ang Integrated Records Management Office ng Civil Service Commission (CSC) Bukas hanggang Biyernes, Mayo 9 – 11.

Ito ay sa kabila ng off-site Team Building Activity na isasagawa ng mga opisyal at empleyado ng IRMO sa mga nasabing petsa.

Pagtiyak ng CSC, may itatalagang skeletal staff ang IRMO na tatanggap ng mga incoming communications at requests ng mga walk-in clients para sa Certification of Eligibility at authenticated copy ng original civil service eligibility.

Tutulungan din ng staff ang mga kliyente sa pag-encode ng kanilang personal information sa computer na nasa client’s waiting area .

Pinaalalahanan ang publiko na lahat ng certification at authentication requests na tinanggap ng IRMO sa nabanggit na mga petsa ay ipo-proseso sa Mayo 15.

Para sa lahat na nakapag sumite ng kumpletong requirements at datos ay matatanggap nila ang kanilang data o authenticated copy ng eligibility mula Mayo 16 hanggang sa 19 ngayong taon.

Ang Integrated Records Management Office o IRMO ay ang physical at electronic records management center ng Civil Service Commission. | via Rey Ferrer