Insidente ng panghaharang ng Chinese Coast Guard sa isang grupo ng mangingisda at crew ng GMA 7, daanin na lang sa usapan – Malacañang

Pag-uusap pa rin ang nakikita ng Palasyo kaugnay ng pinakabagong kontrobersiya sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kasunod ito ng kamakailang insidente ng panghaharang ng Chinese Coast Guard sa isang grupo ng mga mangingisdang Pinoy kasama ang isang news team ng GMA 7 sa Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pag-uusap pa rin ang pinakamagandang hakbang para maayos ang pinakahuling gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Hindi na rin ani Panelo dapat pang idaan sa diplomatic protest ang nangyaring insidente kamakailan sa area ng Panatag Shoal kung kaya namang maayos sa dayalogo ang isyu.

Kaugnay nito’y iginiit ng tatlong senador na kailangang maghain ng protesta kontra China dahil sa insidente at ito ay sina Senador Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV at Joel Villanueva.  | ulat ni Alvin Baltazar