Insentibo para sa mga COVID-19 vaccine manufacturer, iminungkahi ng isang mambabatas

Iminungkahi ni Social Services Committee Chair Alfred Vargas sa pamahalaan na bigyan ng insentibo ang mga COVID-19 vaccine manufacturer.

Sa pamamagitan nito, naniniwala si Vargas na mahihikayat ang vaccine manufacturers na mag-invest at magtayo ng kumpanya sa Pilipinas.

Sinabi pa ng mambabatas na ang pagkakaroon ng vaccine manufacturers sa Pilipinas ay magiging isang ‘game changer’ pagdating sa access sa bakuna ng bansa.

Sa pamamagitan nito, matitiyak ang matatag na suplay ng mga bakuna na makakatulong sa ating health care service.

Punto pa ng kinatawan, ilan sa mga bansa na nakapagbukas na ng mga negosyo at unti-unti nang nakababalik sa normal na mga aktibidad, kung hindi nakabili ng maraming suplay ay mismong sa kanilang bansa ay may mga nagmamanufacture ng COVID-19 vaccine.