Inilabas ng Pulse Asia na mataas na approval at trust rating ng Pangulong Duterte, ikinatuwa ng Palasyo

Masaya ang Palasyo sa mataas na approval at trust ratings ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na resulta ng survey ng Pulse Asia para sa pangalawang quarter ng taong ito.

Sa resulta ng survey, 88% approval rating at 87% ang nakuhang trust rating ng punong ehekutibo nitong unang tatlong buwan ng taong 2018.

Isinagawa ang survey noong January 15 hanggang June 21 na mayroong 1,800 respondents.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na masaya ang Pangulong Duterte sa naging resulta ng nasabing survey.

Ngunit binigyang-diin ni Roque na hindi hinahabol ng Pangulo ang mataas na survey kaya ito todo-kayod sa pagtatrabaho.

Nakataon aniya ang pokus ng Presidente sa kanyang mandato at tinutupad lang ang kanyang ipinangako noong panahon ng eleksiyon.  | ulat ni Alvin Baltazar