Information campaign ng militar laban sa NPA sa mga paaralan, nagsimula na sa Ilocos Sur 

Sumulat ng mga Christmas letters ang halos 2,000 estudyante ng Candon City National High School sa mga NPA sa Ilocos Sur.

Sa isang liham, nanawagan ang mag-aaral sa New People’s Army (NPA) na bumaba na sa bundok para makapiling ang kanilang mga pamilya ngayong Pasko.

Sa isa pang liham, ipinaalam ng mag-aaral sa NPA na may programa ang pamahalaan para sa mga nais na magbalik-loob.

Ito ay bahagi ng isinagawang “Information and Security Awareness Symposium” sa naturang paaralan ng 81st Infantry (SPARTAN) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col Rodrigo Mariñas Jr., at 2nd Civil-Military Operations Company ng 7th CMO Battalion sa pamumuno ni Capt. Rogelio Dumbrigue.

Dito’y namahagi ng impormasyon ang militar sa mga mag-aaral sa pakikipagtulungan ng faculty and staff ng Candon City National high School, ukol sa sistema ng pagre-recruit ng NPA sa kabataan, at naging karanasan ng ilang mga estudyanteng nalinlang ng NPA.

Ayon kay Lt. Col. Mariñas ang mga open letter na ginawa ng mga estudyante ay sa layong ma-enganyo sa mga kabataang naloko ng NPA na talikuran na ang mahirap na buhay sa bundok at magbalik-loob na.

Photo courtesy:  7ID