Info campaign sa pagpapabakuna, dapat isentro sa “practical advantage” nito

Hinimok ni Assistant Majority Leader at Rizal Representative Juan Fidel Felipe Nograles ang Department of Health (DOH), na ituon sa “advantages” ang kanilang messaging para makahikayat ng mas maraming Pilipino na magpabakuna.

Ayon kay Nograles, marami pa rin kasi ang hindi na sumipot para sa second dose ng bakuna, at may ilang sarado talaga ang isip sa vaccination program ng pamahalaan. 

Dahil dito, inirerekomenda ng kongresista na gawing sentro ng mensahe ang ‘practical advantages’ o mga makukuhang mabuti kapag nabakunahan. 

Kung ito ang gagawin ng gobyerno, ay tiyak na maraming tao ang makakaunawa sa tulong ng pagpapabakuna.

Kabilang na aniya dito, ang kabawasan sa pag=aalala na mabilis na mahawaan o maging malubha sakaling magkasakit.

Pinakokonsidera din nito ang pagrebisa sa ilang protocols,  tulad ng exemption sa curfew, paggamit sa vaccination card para mas mapadali ang pagbiyahe, at pagpayag sa mas marami pang physical activities para sa mga nakakumpleto na ng bakuna.