Inflation rate ng bansa, patuloy pang bababa

Kumpiyansa si House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda na bababa pa ang inflation rate ng bansa.

Ayon kay Salceda, na dating nagsilbi bilang economic analyst sa Swiss bank, posibleng bumaba ang inflation rate ng Pilipinas hanggang one percent.

Kung matatandaan, nito lamang nakaraang linggo ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1.7 percent na inflation rate para sa buwan ng Agosto, na isa sa pinakamababang inflation sa nakalipas na halos tatlong taon.