Inaasahang pagtaas ng P10 pamasahe sa jeep, tiyak na maibaba at maibabalik din sa dating bayad

Nanawagan ngayon ang Malacañang sa publiko ng dagdag pang pagtitiis sa gitna ng tuloy na tuloy nang pagtaas ng pamasahe sa jeep at bus sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naniniwala silang pansamantala lang ang pagtaas sa pasahe sa bus at jeep at babalik din ito sa dating halaga na sinisingil ng mga tsuper.

Sinabi nito, na may pangyayari na nung mga nakaraan na nagtaas sa pasahe pero ibinaba din at ito ang kanilang inaasahang mangyayari.

Pero dahil sa hindi nga kontrolado ang galaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, sinabi ni Panelo na ang dapat munang gawin ay habaan pa ang pagtitiis, sabay pahayag na ang buong mundo naman ay apektado ng halaga ng langis sa world market.

Sa susunod na buwan ay magiging P10 na ang pasahe sa jeep mula sa P9 provisional fare.  | ulat ni Alvin Baltazar