Improvement at gains sa laban vs. COVID, inaasahang magtutuloy-tuloy na — DTI Sec. Lopez

Tumataas pa ang tyansa na maabot ng pamahalaan ang target nitong 500,000 doses ng COVID-19 vaccine, na maiturok kada araw.

Pahayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kasunod ng isinagawang symbolic vaccination sa A4 priority group ngayong araw.

Ayon sa kalihim, dahil sa malawak na sektor na sakop ng A4, at dahil maraming economic frontliners ang nais talaga na makapagpabakuna na laban sa virus, nakikita nila na magtutuloy-tuloy na ang proseso ng recovery ng Pilipinas, mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Malaking tulong aniya na mabakunahan na ang mga economic frontliner, upang hindi na huminto ang mga improvement o signs of recovery na nakikita na sa kasalukuyan, lalo at mayroon naman talaga aniyang solid economic fundamental ang Pilipinas.

Ang kailangan lamang, ayon kay Secretary Lopez, mawala na ang epekto ng pandemya at maisasakatuparan na ito, kung lahat ay magpapabakuna na.