Implementasyon ng ‘No Vax, No Ride’ policy sa mga paliparan, maayos na naipatupad

Naging maayos ang implementasyon ng ‘No Vax, No Ride’ policy sa mga paliraan, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ayon kay CAAP Chief of Staff Atty. Danjun Lucas, ay kasunod na rin ng soft implementation ng polisiya na ipinatupad nila noong Sabado at Linggo.

“Noong Sabado at Linggo po, nagkaroon na po tayo ng malawakang information drive kaya hindi na rin po nagulat ang ating mananakay kaya po nagkaroon ng magandang implementasyon. Hanggang ngayong araw po ay mangilan-ngilan na lamang po ang ating nasabihan na hindi sila maaaring makasakay, naipaliwanag rin naman po natin ang ating mga implementasyon.” —Atty. Lucas.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na mahigpit aniyang ipinatutupad ang polisiya sa mga palirapan.

Pagpasok pa lamang sa airport, agad na iinspeksyunin ng security personnel ang vaccination card ng mga biyahero.

Iinspeksyunin rin aniya ng ticketing staff ang vaccination card ng mga ito, bago makuha ng pasahero ang kanilang boarding passes.

Sinabi rin ng opisyal, na maging ang mga partially vaccinated inidvidual ay hindi rin papayagan sa mga paliparan, maliban na lamang kung pasok ang mga ito sa mga exemption.

Halimbawa ay kung talagang essential ang kanilang pagbiyahe o uuwi na ang mga ito sa kanilang tirahan o mayroong medical health condition. Kailangan lamang na makapagpresinta ng katibayan.

“Pero marami naman po doon sa mga partially vaccinated, pumapasok din po doon sa mga exemption na sinasabi natin. Halimbawa, kung sila po ay makakapagpakita ng medical certificate na sila po ay mayroong medical condition na prevented them from getting the full vaccination on time, tinatanggap na rin po natin iyan. Kasama rin po iyong mga essential travels, kahit po sila ay mga partially vaccinated pa lamang po, tinatanggap po ng ating mga paliparan at pinapasakay naman po sila sa ating mga eroplano at sa mga biyaheng papunta at palabas ng Metro Manila.” —Atty. Lucas.