Impeachment complaint ni Atty. Gadon vs COMELEC Comm. Guanzon, fake news

Itinanggi ni Atty. Larry Gadon na may niluluto siyang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon.

Ginawa ni Gadon ang paglilinaw matapos lumabas sa isang website ng Abogado.com ang artikulong may ginagawa siyang reklamo laban sa COMELEC commissioner.

Aniya, fake news ang nasabing artikulo dahil wala naman siyang inihahandang reklamo laban kay Guanzon.

Bukod sa inihahandang impeachment complaint, tinawag ding atras-abante ang kanyang inihahandang reklamo.

Pinag-aaralan na ni Gadon ang paghahain ng reklamong cybercrime law laban sa admin ng nasabing website.  (Abogados, oficinas de abogados e información legal РAbogado.com)