Immunization program vs polio, umarangkada sa Marikina

Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng bansa kontra polio ay sinimulan na rin ngayong araw sa lungsod ng Marikina ang immunization program nito para sa mga kabataang nasa edad lima pababa.

Sinimulan ang kampanya sa Brgy. Parang, Marikina, kung saan aabot sa dalawandaang bata ang binigyan ng libreng type 2 oral anti-polio vaccine.

Sinundan ito ng house-to-house visit ng pamahalaang lokal katuwang ang Department of Health (DOH) sa Tumana at Malanday, Marikina, upang personal na hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ng anti-polio vaccine ang mga anak.

Immunization-Marikina

PANOORIN | Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, unti-unti nang nawawala ang pangamba ng mga magulang sa immunization program ng pamahalaan. | via Merry Ann Bastasawww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Sunday, October 13, 2019

Nauna nang sinabi ni DOH Asec. Ma. Rosario Vergeire, na mababa ang immunization rate sa bansa kabilang dito ang lungsod ng Marikina na may 55% to 60% lamang ng immunization coverage.

DOH, target na maabot ang 95% immunization coverage sa lungsod ng Marikina

DOH, target na maabot ang 95% immunization coverage sa lungsod ng Marikina. | via Merry Ann Bastasa

Posted by Radyo Pilipinas on Sunday, October 13, 2019

Target ng DOH na maiangat sa 95% ang immunization coverage sa lungsod.