Imbestigasyon sa immunization program ng pamahalaan, pinag-aaralang isagawa ng Kamara

Pinaplano ng House Committee on Health na magsagawa ng panibagong imbestigasyon ngayong Oktubre ukol sa immunization program ng pamahalaan.

Kasunod ito ng naitalang kaso ng polio at diphtheria sa bansa

Ayon kay House Committee on Health Chair Angelina Tan, maaaring magpatawag pa rin sila ng pulong kasama ang Department of Health (DOH) kahit naka-break ang sesyon ng Kongreso.

Partikular na nais talakayin ni Tanay kung sapat ba ang mga aksyon ng DOH ukol dito.

Base kasi aniya sa naging pag-uusap nila ni Health Secretary Francisco Duque III may ilang teknikalidad sa inilatag na protocol ng World Health Organization na hindi tugma sa ipinapatupad na guidelines ng kagawaran at ito aniya ang nais nilang mabigyang linaw.