Imbestigasyon ng Senado hinggil sa missile deployment ng Tsina hindi tutol ang Palasyo

Palasyo, nanawagan sa Senado na ikunsidera ang ilang bagay sa harap ng ikinakasang imbestigasyon hinggil sa missile deployment ng China sa West Philippine Sea.

Hindi tutol ang Palasyo sa ikinakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y missile deployment ng China sa West Philippine Sea.

Gayunpaman, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na marami din namang mga bagay na hindi maaaring basta na lang matalakay at mailantad sa harap ng publiko sa pamamagitan ng senate inquiry.

Ilan na aniya dito ang ilang mga usaping may kinalaman o saklaw ng executive privilege at state secret na maituturing na maselang isyu at hindi maaaring mailantad sa publiko.

Sa harap nito’y binigyang diin ni Roque na hindi nila ipagkakait sa Senado na makapagsagawa ito ng pagsisiyasat dahil karapatan din naman aniya ito ng Senado bilang co-equal branch.

Abangan na lang daw sabi ni Roque kung anong batas ang maaaring mabalangkas mula sa gagawing Senate probe na ang layunin ay in aid of legislation.  | via Alvin Baltzar