Ilang sangay ng GSIS sa NCR, muling magbubukas simula ngayong darating na Lunes

Balik operasyon na muli sa Lunes, Mayo 17, ang ilang tanggapan ng Government Service Insurance System (GSIS) matapos ang ilang buwan na non-operational nito dahil sa COVID-19. 

Sa abiso ng GSIS, ang mga tanggapan nito sa Pasay City, Quezon City, Bulacan at Laguna ay papayagan na muling magbukas para magbigay ng serbisyo sa mga miyembro. 

Ang mga serbisyo ng eCard, cashiering at check releasing at issuance ng certicates ang ibibigay ng mga nabanggit na branches. 

Ngunit limitado lamang sa 4 na oras, mula 8am hanggang 11am ang magiging office hour ng mga ito. 

Subalit ang mga kliyente na nasa bisinidad na ng mga opisina bago ang 12:00 ng tanghali ay kanila pa ring seserbisyuhan kahit lampas na alas-dose. 

Samantala, ang pagsasagawa ng Annual Pensioners Information Revalidation Interviews ay magiging online pa rin.