Ilang mga miyembro ng Gabinete, magtutungo ng Kuwait sa unang linggo ng Mayo

Ilang miyembro ng Gabinte ang nakatakdang magtungo sa Kuwait.
 
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa isinagawang regular press briefing sa Malacañang.
 
Mayo 7, sabi ni Roque ang naka-schedule na pagpunta ng mga miyembro ng Gabinete na ang tanging nabanggit lamang ay si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello.
 
Pagpapatunay lamang aniya ito na umuusad ang proseso hinggil sa diplomatic negotiation sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait.
 
Samantala, binigyang-diin ni Roque na walang nabago sa una nang ipinairal na total deployment ban at ang umiiral aniya sa kasalukuyan ay status quo habang hindi pa naaayos ang Memorandum of Agreement. | via Alvin Baltazar