Ilang mambabatas, nagpaalala sa mga ahensya ng pamahalaan na gamitin ang mga pondo na inilalaan sa COVID-19 response

Nagpaalala ang ilang mambabatas sa mga government agencies na gamitin ng tama ang mga ipinapasang pondo para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
 
Kaugnay pa rin ito ng nalalapit na pagtatapos ng effectivity ng Bayanihan 2 law.
 
Ayon kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano, kung magpapasa ng batas ng Kongreso dapat ay gamitin ito ng maayos ng mga ahensya.
 
“Kung magpapasa tayo ng batas, Congress, Senate at Malacanang, dapat naman i-implement natin. So magpapasa tayo ng 2022 budget at Bayanihan 3 pero hindi naman natin alam saan na mapupunta yung pera, hindi rin po ito makakatulong sa atin. I’m happy na may P18 billion pa, but saan natin gagamitin at bakit po may natira. Samantalang very specific ang Bayanihan 2 sa iba’t ibang sektro na nangangailangan.” Diin ni Cayetano.
 
Nagbabala naman si Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na sakaling ma-extend ang Bayanihan 2 at hindi pa rin papaspasan ng mga ahensya ng pamahalaan ang utilization sa pondo ay hindi malayo na ipatawag ito ng Kongreso.
 
“Baka ipa-sanction ko sila. Yung mga ayaw gumamit. I think Congress already has to act. They (agencies) must have a very good reason.” Saad ni Salceda.