Ilang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan mawawalan ng supply ng tubig simula sa linggo – Maynilad

Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela sa Metro Manila; at Bulacan sa darating na araw ng Linggo at Lunes.

Sa abiso ng Maynilad, magsasagawa ito ng maintenance activities sa Quezon City at Valenzuela City para mapabuti pa ang serbisyo ng patubig sa West Zone.

Dahil dito, ang mga customer sa mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng paghina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras.

Sa QC kabilang sa maapektuhan nito ang barangay Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches proper, San Agustin at Sta Monica.

Sa Calookan City ang mga lugar na mawawalan ng tubig ay ang Barangay 165,166, Deparo at Llano at ang maraming lugar sa Valenzuela city kabilang ang Obando at Meycauayan water District sa Bulacan.

Magsisimula ito sa pagitan ng alas -12 ng tanghali ng October 18 at alas-siete ng umaga ng October 19.

Ngayon pa lang pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.

Pagtiyak pa ng water concessionaire na may mga water tankers silang inihanda para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.