Ilang korte sa bansa, pansamantalang ipinasara ng Korte Suprema

Ipinag-utos ng Korte Suprena na pansamantalang isara ang ilang korte sa bansa, upang maisailalim sa disinfection at sanitation, at makapagsagawa ng contact tracing.

Base sa abiso mula sa Supreme Court Public Information Office kabilang sa mga korte na pansamantalang isinara ang San Jose City Hall of Justice sa Nueva Ecija, mula September 21 hanggang October 2, 2020.

Kasama din dito ang Antipolo RTC branch 97 mula September 16 hanggang September 30 dahil nagpositibo sa COVID-19 swab-test ang isang court employee.

Naka-lockdown din ang Makati City RTC Branch 66 mula September 22 hanggang September 28.

Ang Angeles City MTCC Branch 1 ay “physically-closed” din hanggang sa October 2 habang ang Angeles City RTC Branch 117 ay naka-lockdown din hanggang September 28.

Sa kabila nito ay tuloy pa din ang ibang hearing sa mga korte sa pamamagitan ng video-conferencing, at maari pa ring makapag-contact sa mga korte via e-mail at hotline numbers.