Ilang kongresista, ikinasiya ang pagpapaalis ni Pangulong Duterte ng deployment ban sa Kuwait

Naniniwala si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na muling tataas ang OFW cash remittances sa bansa dahil sa pag-aalis ng deployment ban sa Kuwait.
 
Ayon kay Salo posibleng umabot sa $600 milyong dolyar hanggang $800 milyong dolyar ang kabuuang OFW cash remittances mula Kuwait ngayong taon.
 
Sinabi ni Salo na dadagsa sa Kuwait ang mga hindi agad nakaalis dahil sa ban.
 
Para naman kay Leyte Rep. Henry Ong, marapat na kumilos ang Bangko Sentral, mga bangko, at remittance companies upang makamit ng Pilipinas ang United Nations target na 3% lamang na remittance cost. | via Rene Tichangco