Ilang dating rebel-returnees sa Bohol, pinagkalooban ng lupang sakahan ng DAR

Pitong rebel returnees sa barangay San Vicente,Trinidad sa lalawigan ng Bohol ang kabilang sa mga magsasaka na pinagkalooban ng titulo ng lupang sakahan ng Department of Agrarian Reform.

Tiwala si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na marami pang rebelde ang magbabalik-loob sa pamahalaan dahil sa magandang naitulong ng programa ng ahensiya .

Bukod sa pitong rebel returnees, 57 magsasaka sa bayan ng Catigbian at Trinidad, ang kinilala din bilang benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program nang iabot sa kanila ang Certificate of Land Ownership Award.

Sabi pa ng kalihim ang CARP ang tunay na makatutulong para sa kabuhayan ng mga magsasakang benepisyaryo at sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa kanayunan.