Ilang benepisyaryo ng ECQ cash aid sa Antipolo, nagsauli ng natanggap na sobrang ayuda

Nagsulputan na ang mga residente ng Antipolo na nagsasauli ng mga natanggap na sobrang ayuda, mula sa ECQ financial aid ng pamahalaan.

Ito ay kasunod ng ginagawang paghahabol ngayon ng lokal na pamahalaan, sa mga benepisyaryong nanloloko at namemeke ng mga dokumento para makatanggap ng dobleng ayuda.

Ilang residente na ang nasampulan nito, kabilang ang mag-live in partner na nag-claim ng hiwalay na ayuda at mag-asawang umulit sa pila.

Inaresto na ang mga ito ng Antipolo PNP at mahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.

Umaasa naman ang local government, na magsisilbing babala ito sa iba pang nakakuha ng dobleng ayuda upang magkusa nang magsauli, nang maipaabot ang tulong pinansyal sa mas higit na nangangailangan.