Ilang bar sa QC, ipinasara ng city government dahil sa quarantine violation

Nilinaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi pa pinapayagan na makapag-operate ang mga bar, karaoke bars, clubs at concert halls sa Quezon City.

Ito ay base sa latest localized guidelines na inilabas ng Quezon City government para sa general community quarantine .

Naglabas ng pahayag ang alkalde kasunod ng pagpapasara sa G-Side Bar sa Tomas Morato at Ciso’s Gastrobar sa Del Monte Avenue

Nahuli kasi ang mga ito na tumatanggap na ng mga costumers na paglabag sa GCQ guidelines at public safety hours at minimum health protocols.

May nauna nang KTV bars sa Barangay Paligsahan at Timog ang ininspection din ng City Task Force Disiplina at Quezon City Police District at inaresto ang club manager, mga empleyado at guest.

Kinasuhan na ng city government sa City Prosecutors Office ang mga club owners dahil sa paglabag sa GCQ guidelines na itinakda ng national and local government.