Ilang bahagi ng EDSA, makakaranas pa ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga susunod na oras – MMDA

Base sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA), inaasahang bibigat pa ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Edsa sa Qcuezon City, sa mga susunod na oras.

Partikular na sa Northbound lane ng Edsa- P. Tuazon kung saan ongoing ang road re- blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa MMDA, puspusan ang ginagawang repair works ng DPWH-NCR sa southbound directions ng EdSA, mula Bansalangin hanggang North Avenue (u-turn slot), 5th lane mula sa sidewalk; Eugenio Lopez Drive hanggang Timog MRT Station; Lagarian Creek hanggang Arayat Cubao; Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop.

Kabilang din ang outer lane sa northbound direction, mula sa Main Avenue hanggang P. Tuazon, 1st lane mula sa sidewalk.

Bukod pa dito ang iba pang road repair na ginagawa sa iba pang lugar sa QC, kabilang ang southbound direction ng Taguig City, sa harap ng Palar Village.

Tatapusin ang pagsasaayos sa daan bukas ng madaling araw.

Pinapayuhan pa rin ng MMDA ang mga motorista na gumamit muna ng mga alternate route para hindi maabala sa biyahe bunga ng traffic slowdown sa affected areas.