Ilan sa mga priority bills ng administrasyon, tinalakay sa LECC

Nagkasundo ang Kongreso at ang Malacañang sa mga isasaprayoridad na panukala sa ginanap na Legislative-Executive Coordinating Council o LECC.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez na kabilang sa mga pangunahing isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang Salary Standardization Law o SSL 5 para sa mga civilian state workers, paglika sa Department of Overseas Filipino Workers, pagpapaliban sa May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at ang libreng legal assistance sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Ang LECC ay paunang pulong bago ang Legislative-Executive-Development Advisory Council o LEDAC.

Kumpiyansa naman si Romualdez na makapagpapasa ng mga priority measures ang Kamara bago ang ikalawang break ng Kongreso sa Disyembre.