Ilan pang mambabatas, nagpaabot ng suporta sa bagong PNP Chief

Photo courtesy of Rep. Romualdez FB account

Nagpaabot na rin ng pagbati si  House Majority Leader Martin Romualdez, kay General Guillermo Eleazar sa pagkakatalaga nito bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief.

Diin ni Romualdez,’man of action’ ang susunod na PNP Chief na maagap sa pagresolba ng mga kaso.

Napatunayan na aniya ni Eleazar ang kakayanan nito, at kumpiyansa ang mambabatas na maibabalik ng bagong PNP chief ang disiplina at respeto sa PNP, bilang isang institusyon.

Naniniwala din ang Leyte representative, na maipagpapatuloy ni Eleazar ang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, terorismo, war on drugs, at paglilinis sa mga scalawag na pulis.

“I know that Gen. Eleazar will always continue to affirm the PNP’s motto to ‘serve and protect’ and be a good example and advocate of the rule of law.” saad ni Romualdez