Ika-5 anibersaryo ng pagpangalan ng “Philippine Rise” ipinagdiwang ng PAF

Nagsagawa ng solidarity maritime patrol ang Philippine Air Force sa Philippine Rise bilang pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan nito mula sa dating “Benham Rise”.

Ang aktibidad ay kinatampukan ng paglipad ng isang PAF C-295 aircraft na sinabayan ng dalawang FA-50 fighter jets sa Philippine Rise na minamarkahan ng mga “sovereignity bouys” sa karagatan sa silangang bahagi ng Luzon.

Mismong si Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes ang nagpalipad ng isang FA-50.

Si National Security Adviser at National Task Force- West Philippine Sea (NTF-WPS) Chairman, Sec. Hermogenes Esperon na panauhing pandangal sa aktibidad ay nakasakay naman sa C-295 kasama si Northern Luzon Commander Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos.

Ang aktibidad na isinagawa para itaguyod ang pag-mamayari ng Pilipinas sa Philippine Rise, at isulong ang pangangalaga sa kalikasan ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-123 araw ng Kalaayan.