Giit ni dating Pangulong Noynoy Aquino na napupulitika na ang isyu sa Dengvaxia, sinagot ng Palasyo

Nananatili ang paninindigan ng Palasyo na kailangan lang na dapat may managot kung mayroon man sa usapin ng Dengvaxia at wala aniyang halong pulitika ang ganitong uri ng pahayag.

Nananatili ang paninindigan ng Palasyo na kailangan lang na dapat may managot kung mayroon man sa usapin ng Dengvaxia at wala aniyang halong pulitika ang ganitong uri ng pahayag.

Reaksyon ito ng Malacañang sa naging salita ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Kamara na nababalutan na ng pamumulitika ang isyu.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Atty. Harry Roque na kung may nakikita mang namumulitika ang dating Chief Executive, tiyak aniyang hindi ito ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Malinaw naman ani Roque ang tindig ng Pangulong Duterte sa isyu at ito ay ang ipagpatuloy lang partikular ng National Bureau of Investigation o NBI ang imbestigasyon at mula doo’y malaman kung mayroon bang dapat maparusahan sa pangyayari.

Dagdag ng Palace Spokesman na mismong ang Pangulo ay nauunawaan ang naging hakbang ng nakaraang Administrasyon sa paglulunsad ng gayung immunization program pero ang tanong ani Roque dito ay kung bakit naging napakabilis ng proseso ng pagbili na araw lamang ang binilang. | via Alvin Baltazar