Iba’t ibang Taiwanese organization, nanawagan na rin sa Duterte administration na alisin sa terrorist list ang mga human rights defender sa bansa

Labimpitong Taiwanese organizations ang umaapela sa Duterte administration na tanggalin sa terrorist list ng Pilipinas ang ilang human rights defenders sa bansa.

Sa kalatas na ipinalabas ng Taiwan Association for Human Rights, gagawin nila ito sa isang pagkilos ngayong araw sa harap ng Manila Economic and Cultural Office sa Taipei na lalahukan din ng Taiwan Committee for Philippine Concerns.

Iaapela ng mga immigrant at mga indigenous peoples advocate sa Duterte administration na alisin sa listahan ng Department of Justice ang may 600 na indibidwal na binansagang terorista.

Hihikayatin din nila ang gobyernong ipawalang-bisa ang Human Security Act at abandonahin ang anti-insurgency campaign nito.

Naniniwala din ang mga grupo na dapat ituloy ng gobyerno ang peace talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF. | via Rey Ferrer