Iba’t-ibang grupo dumagsa sa bahay ni PRRD para bumati

Hindi napigilan ng mga kasundaluhan at kapulisan na nagbabantay sa tahanan sa isang maliit na subdivision sa Doña Luisa, Davao City, ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para iparating ang kanilang mainit na pagbati sa Pangulo sa kanyang ika-73 taong kaarawan ngayon ika-28 ng Marso.

Madaling araw pa lamang nang dumagsa ang may mahigit kumulang sa 500 indibidwal mula sa iba’t-ibang grupo at kumanta sa harap ng tahanan ng Presidente kahit wala ito. Nais lamang nilang iparating ang kanilang pagbati.

Una nang sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na tahimik na ipinagdiriwang lamang ng Pangulo ang kanyang kaarawan na nakagawian na nito taon-taon kapiling ang kanyang pamilya sa Davao City.

Sana nga raw ay mainitidihan ito ng lahat dahil hindi naman aniya nagbabago ang kanyang kinagawian na maging noong sya ay alkalde pa ng Lungsod.

Sa mga Dabawenyo ang kanilang nais ay maayos ang kalusugan ng Pangulo at maging masaya sa kanyang kaarawan at patuloy aniya silang susuporta at magmamahal sa Pangulo.

Samantala, kagabi ay nakipagpulong pa ang Pangulo sa mga leaders ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Davao City, kasama si Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP Secretary Jess Dureza. | via Peng Aliño