Iba pang paraan para ma-fine tune ang vaccination program ng Pilipinas, kabilang sa tatalakayin sa consultation meeting ng health experts ng Pilipinas at Israel

Dumating na ngayong araw ang tatlong eksperto mula sa Ministry of Health ng Israel, upang ibahagi sa Pilipinas ang kanilang mga karanasan kaugnay sa vaccine deployment.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang pagdating ng mga Israeli experts sa bansa ay makakatulong upang ma-fine-tune ng gobyerno ang nagpapatuloy na vaccination program nito.

Sinabi ng kalihim na nais matuto ng pamahalaan ng best practice na ipinatutupad ng Israel.

Umaasa si Secretary Galvez na magagaya ito ng Pilipinas, para sa mga polisiya nito.

Samantala, kabilang rin sa mga usapin na matatalakay ng pamahalaan kasama ang mga eksperto sa consultation meeting ay ang efficient rollout at ligtas na handling ng bakuna, at pagpapaigting ng pagtangkilik ng publiko sa COVID-19 vaccine.

Mananatili ang mga ekperto dito hanggang June 25, 2021, kung saan nakatakada rin ang mga ito na bumisita sa mga vaccination sites sa bansa.