Hindi inaalis ng Inter-Agency Task Force na pahintulutan nilang makapagdagdag ng 20 to 30 percent capacity ang mga establisyementong nakapag-ooperate na din kahit MECQ.
Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay kung may safety seal certificate ang isang negosyo.
Inihayag ni Nograles na sakali mang ma-extend pa ang MECQ ay maaaring mapayagan na bahagyang makapagdagdag ng customer capacity ang isang business establishment basta’t may safety seal.
Pag-aaralan din daw ng Department of Trade and Industry kung anong mga negosyo na nasa category 4 ang maaaring buksan pa sakali’t mapalawig pa ng panibagong dalawang linggo ang MECQ.
Magtatagal ang MECQ hanggang Biyernes, Mayo 14 ngunit bago ito ay tiyak namang mag-aanunsiyo ang Palasyo kung mananatili o magluluwag na ng quarantine protocol.