Human Rights Officers idedeploy ng PNP sa mga civil disturbance managent units

Nagdeploy ang Philippine National Police (PNP) ng mga Human Rights Officers para bantayan ang Civil Disturbance Management units ng PNP na magbabantay sa mga raliyista ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Director Camilo Pancratius Cascolan, ito ay para makatiyak na walang malalabag na karapatang pantao sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga inaasahang rally sa lansangan ngayong araw ng paggawa.

Bukod sa mga Human Rights Officers sa field, nakamonitor din ang mga opisyal ng PNP Human Ruiights Affairs office, at CHR sa mga kaganapan sa lansangan ngayon.

Ito ay sa gitna ng paalala ng pamunuan ng PNP sa mga tauhan nilang nakadeploy sa field na i-exert ang maximum tolerance sa kanilang pakikitungo sa mga raliyista.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng kumpiyansa si Albayalde na magiging maayos at mapayapa ang pagpapahayag ng saloobin ng mga manggagawa ngayong araw ng paggawa.

Nanawagan din ang hepe ng pambansang pulisya sa mga organizers ng mga rally na bantayan ang kanilang mga ranggo para hindi masingitan ng mga manggugulo. | via Leo Sarne