HPG Text Hotline 74-444-74, magagamit na para sa sumbong ng mga motorista

Inilunsad ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kanilang bagong 24-7 text hotline ‎74-444-74 para sa anumang sumbong ng mga motorista.

Ang bagong hotline ay itinatag sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement sa pagitan ng HPG at isang telecommunications company na provider ng ‎74-444-74 hotline, na nilagdaan ni PNP-HPG Director Arnel Escobal at mga company executives kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay Escobal, maaring itawag ng mga motorista sa hotline ‎74-444-74 ang anumang impormasyon na may kaugnayan sa sitwasyon sa mga kalsada, tulad ng mga namataang aksidente, road violations, krimen, o emergency.

Dagdag ni Escobal, maaari ding itawag sa HPG text hotline ‎74-444-74 ang mga nangongotong na pulis o traffic enforcer, bilang bahagi ng kanilang internal cleansing program.

Sa pamamagitan ng PNP-HPG text hotline ay mas mabilis ding maaaksyunan ng mga ahensyang kasama sa i-ACT ang anumang reklamo ng mga motorista sa daan.

Inaasahan ni Escobal, na partikular na mapapakinabangan ng mga motorista ang HPG text hotline ‎74-444-74 sa kanilang pagbiyahe ngayong darating na semana santa. | via Leo Sarne

Photo courtesy: Philippine National Police FB page