HPG, nag-take over na sa MMDA sa pagmando ng traffic sa bahagi ng EDSA mula Timog hanggang Ortigas 

 

Nag-take over na ang Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group sa Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA) sa pagmamando ng traffic sa bahagi ng EDSA sa magkabilang panig mula Timog hanggang Ortigas.

Ayon kay PNP-HPG Director Bgen Eliseo DC Cruz, base sa napagkasunduan ng HPG at MMDA, ang HPG na ang magsusupervise sa 100 MMDA traffic enforcers na naka-assign sa naturang lugar.

Sinabi ni Cruz na ang pagbabalik ng HPG sa EDSA ay para mas mapalakas ang enforcement ng batas trapiko.

Mayroon aniyang 171 HPG personnel na kasalukuyang naka-assign sa buong kahabaan EDSA na ang pangunahing tungkulin ay magbantay sa mga road-related crimes tulad ng carnapping.

Paliwanag ni Cruz, andun narin lang sila EDSA bilang bahagi ng Police visibility, ay makabubuting gamitin narin sila sa pagmamando ng trapiko.

Ngayong tanghali ay nag-report sa HPG ang unang batch ng 50 MMDA enforcers na mag-ooperate sa superbisyon ng HPG sa pagmamando ng trapiko.