House Speaker Alvarez, hinimok ang pamahalaan na paigtingin ang info drive sa Federalism

Para kay House Speaker Pantaleon Alvarez, dapat na mas pag-ibayuhin pa ng gobyerno ang kampanya hinggil sa Federal Constitution nang mas maraming Pilipino ang makumbinse dito, kasunod yan ng naging resulta ng Pulse Asia Survey kung saan lumalabas na tatlo sa bawat apat na Pilipino ang walang alam sa Charter Change efforts na ginagawa ng pamahalaan

Ipinunto ni Alvarez na ang pangangailangan na magsanib pwersa ang executive at legislative branch ay upang maiparating sa mga mamamamayan na dapat nang amiyendahan ang 1987 Constitution upang mapalitan na rin ang porma ng gobyerno na aniya ay despalinghado at depektibo na.

Kaugnay niyan ay pinuna ni Speaker kung bakit tinukoy sa naturang survey ang kaalaman ng respondents sa Federalism gayong hindi naman naitanong kung may alam din ba ang mga ito sa umiiral na unitary Presidential system.

Aniya, kung naitanong din sana ito, lalabas na hindi rin alam ng mayorya sa mga Pilipino ang kasalukuyang porma ng gobyerno.

Naniniwala ang lider ng Kamara na sa ilalim ng Federal form of government, mas mararamdaman sa bawat rehiyon sa bansa ang economic growth at social development. | via Merry Ann Bastasa