House resolution na nagbibigay kapangyarihan sa CHR para sa distribusyon ng claims para sa human rights victims, pinaboran ng komisyon

Welcome development sa Commission on Human Rights (CHR) na ipasa sa kanilang tanggapan ang tungkulin ng pagpapalabas ng pondo para sa mga human rights victim sa panahon ng Martial Law na hindi pa nakatatanggap ng kanilang claims.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, suportado nila ang House Resolution na inakda ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate na nagpapalawig sa validity at availability ng pondo sa mga human rights victim.

Nakapaloob sa House resolution na CHR na ang bibigyan ng kapangyarihan na i-administer ang distribusyon ng pondo.

Ito ay kasunod ng pagtatapos ng tungkulin ng Human Rights Victims’ Claims Board sa ilalim ng batas.

Umaasa si De Guia na makikialam na rin si Pangulong Rodrigo Duterte para maremediyuhan ang balakid sa batas sa pagpapalabas ng bayad-pinsala sa mga biktima ng batas militar. | ulat ni Rey Ferrer