House Committee on Justice, tuluyan nang ibinasura ang impeachment complaint vs Assoc. Justice Leonen

Nasa 21 miyembro ng House Committee on Justice ang bumoto para pagtibayin ang committee report  at resolusyon na nagbabasura sa impeachment complaint laban ay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ibabalik naman sa Office of the Secretary General ang inaprubahang committee report at resolusyon at saka ito i-a-adopt o pagtitibayin sa plenaryo ng Kamara, base sa rules ng impeachment.

Pero dahil naka-recess na ngayon ang Kongreso ay baka sa July 26, 2021 o sa pagbabalik-sesyon na ito mangyari.

May 27, ibinasura ang naturang reklamong impeachment dahil sa kawalan ng “personal knowledge” at authentic records na iprinisinta ng complainant na si Edwin Cordevilla.

Pagbibigay-diin naman ni Justice Committee Chair Vicente Veloso, isand sagradong proseso ang impeachment process at hindi maaaring magpagamit  ang komite sa ano mang phishing expedition at mockery.