Home-based Anti-Drug Program para sa mga kabataan, bubuhayin ng PNP

Bubuhayin ng Philippine National Police ang kanilang home-based Anti-Drug Program para sa kabataan na pinamagatang HAPPY, o Home Activity Program for Productive Youth.

Ayon kay PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan, naging epektibo programa noong ipinatupad ito sa Iloilo sa panahon na siya pa ang Chief of Police sa lugar.

Hihimukin aniya ang mga kabataan na mapabilang sa programa upang mailayo sila sa droga sa pamamagitan ng mga aktibidad sa loob ng kanilang tahanan para maiwas sa maling barkada at hindi makaisip na magbisyo.

Napapanahon aniya ito sa panahong may pandemya dahil marami aniya sa mga kabataan ang naiinip sa loob ng bahay.

Sinabi ni Cascolan na babaguhin lang nila ng konti ang mga aktibidad para makasabay sa new normal at umayon sa mga health protocols.

Dagdag pa ni Cascolan na hindi lang sa droga maisasalba ang mga kabataan kundi sa iba pang iligal na gawain at bisyo.