Holdaper sa mga natatrapik na trak sa Road 10, Tondo, Maynila, natimbog

Arestado na ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team o SMART ang isa sa mga notoryus na holdaper ng mga bumibiyaheng truck sa Road 10, Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Christopher Dumapi 28, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Brgy. 118 Sambayanan, Bldg. H, Tondo, Maynila.

Ito ay nakumpiskahan ng panaksak nang madakip ng grupo ni PCpt. Edward Samonte
sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo.

Ayon kay PMaj. Rosalino Ibay Jr., ang pinuno ng SMART, ang suspek ay isa sa mga holdaper habang pinagnanakawan ang isang trak na nai-post sa social media ng isang netizen.

Patuloy ang follow up operation ng Mayor’s team upang mahuli ang iba pang kasamahan ni Dumapi.