Hirit ng ilang kumakandidatong senador na regular medical bulletin ng Pangulo, sinagot ng Palasyo

Walang nakikitang rason ang Palasyo para isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang medical bulletin kada taon.

Ito ang reaksiyon ng MalacaƱang, kasunod ng naging pahayag ng walong kandidatong senador, na mahalagang mailantad sa publiko ang medical bulletin ng Presidente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, regular examination lang naman ang ginagawa sa Pangulo kada taon.

Pero ibang usapan na aniya kung may seryosong nararamdamang sakit ang Pangulo.

Dito na, ayon sa tagapagsalita nararapat talagang isapubliko ang kanyang medical bulletin at hindi dapat na ilihim sa mamamayan.

Pinatunayan na ito ng Presidente, nang kusang isapubliko nito na siya ay sumailalim sa endocspoy at colonoscopy. | ulat ni Alvin Baltazar