Higit P4.3 million halaga ng shabu, nakumpiska ng pulisya sa buy-bust operation sa QC

Naaresto na ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Drug Enforcement Group at Quezon City Police District ang isang big time drug personality sa Quezon City at nakumpiska ang higit sa Php 4.3 Million halaga ng shabu.

Kinilala ang drug suspect na si Khalid Sana Guiabal, tubong Maguindanao at residente ng Don Victorino Ext., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit

Ayon kay PLTCOL. Jeffrey Bilaro, ang Station Commander ng Police Station 14, matagal nang isinailalim sa surviellance operation ang aktibidad ni Guiabal at kahapon isinagawa ang drug buy bust operation sa barangay Holy Spirit.

Nasa custody na ng PNP-DEG Office sa Camp Crame ang suspect kasama ang mga nasamsam na illegal drugs at paraphernalia at inihahanda ang pagsasampa ng kaso.