Higit 8,000 nakatakdang sumabak sa Bar Exams ngayong Nobyembre

Inihayag ng Korte Suprema na natapos na nila ang listahan ng mga pasok sa 2019 Bar Examinations na gagawin sa Nobyembre.

Sinabi ni Supreme Court PIO Chief Atty. Brian Hosaka na 8,245 ang nabigyan ng bar permit matapos magsagawa ang Korte Suprema ng pagsala ng mga aplikante para sa nasabing pagsusulit.

Ang bilang ng mga examinees ngayong taon ay isa sa pinaka-mataas ngunit bahagyang mas mababa kumpara noong 2018 na may 8,701 na examinees.

Nakatakdang gawin ang bar exams sa University of Sto. Tomas sa November 3, 10,17, at 24.

Nauna nang humingi ng suporta ang Korte Suprema sa pamahalaang lungsod ng Maynila upang mapaigting ang seguridad sa mga araw ng pagsusulit.