Higit 8.4 million doses ng COVID vaccines, naiturok na ng pamahalaan

Umakyat na sa 8,407,342 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, higit 6.2 million dito ay nakatanggap na ng kanilang first shot ng bakuna.

Habang nasa 2.1 million naman ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa higit 12. 7 million doses na ang bakunang dumating na sa Pilipinas.

Kinabibilangan ito ng Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, at Pfizer vaccines.

Kaugnay nito, muling nananawagan ang National Task Force sa mga eligible population na kabilang sa A1-A5 priority group, na magparehistro na sa kanilang local government units, at magpabakuna na.