Higit 7,000 bakanteng posisyon, alok ng pamahalaan sa Government Job Fair

Higit 7,000 bakanteng posisyon ang naghihintay sa mga nais maglingkod sa pamahalaan sa Government Job Fair.

Labing –siyam na ahensiya ng pamahalaan ang magsasagawa ng initial screening sa mga aplikasyon para sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan kasama dito ang 3,000 Fire Officer I; 2,000 Jail Officer I at higit 700 Revenue Officer I.

Bubuksan ang dalawang araw na Government Job Fair simula bukas ika-26 ng Setyembre hanggang ika-27 ng Setyembre sa SM City North EDSA Skydome sa Lungsod Quezon.

Ang government job fair ay inorganisa ng Civil Service Commission Recruitment and Placement Office at CSC National Capital Region. Isa ito sa mga nakahanay na aktibidad para sa ika-118th celebration ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas. Layon nitong tulungan ang mga kwalipikadong indibidwal na makakuha ng trabaho sa pamahalaan.  | ulat ni  Janet Bayan