Higit 50,000 residente ng Pasig City, nabakunahan na vs. COVID-19

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga residente ng Pasig City na nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, aabot na sa higit 50,000 na mga PasigueƱo ang nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccines sa lungsod.

Sinabi naman ng alkalde, na ang brand ng bakuna na itinuturok sa mga vaccine recipient, ay nakadepende sa medical guidelines at sa availability ng bakuna.

Kaugnay nito, nagtungo na rin ang ilang kinatawan ng Department of Health (DOH) sa Pasig, para i-monitor ang vaccination process sa lungsod.

Partikular umanong sinilip ng DOH, ang kapasidad ng lungsod sa pag-handle ng Pfizer vaccines na mas sensitibo kumpara sa mga naunang dumating na bakuna sa bansa.

Sa tala naman ng The Medical City, isa sa mga vaccination site sa Pasig, aabot na sa 446 na senior at adults with commorbidities ang nabigyan ng unang dose ng Pfizer Biontech vaccine.