Higit 27-milyong estudyante, inaasahan sa school year 2018-2019 – DepEd

Asahan na ang mahigit 27-milyong mag aaral na magbabalik-eskwela ngayong pasukan.

Sakop nito ang mga level ng kindergarten, elementary, high school at senior high school.

Base sa datos ng Department of Education, para sa school year 2018 to 2019, nasa 27,757,546 ang mga estudyante na kanilang inaasahang papasok sa mga klase.

Pinakamaraming enrolees ay ang Grade 1 hanggang Grade 6 na may nairehistrong 12,663,690 mga estudyante sa public schools at sinundan ito ng Grade 7 hanggang Grade 10 na nasa 6,711,367.

Habang ang senior high school naman na Grade 11 hanggang 12 ay may bilang na 1,451,267.

Samantala, nasa 14.9 percent lamang ang mga magaaral na nag-enroll sa private schools na katumbas lang ng mahigit 4 milyon. | via Rey Ferrer