Higit 100,000 Pasigueños, fully vaccinated na

Lagpas na sa 100,000 ang mga indibidwal na nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines, sa Lungsod ng Pasig.

Sa inilabas na vaccination report ng Pasig Local Government, nitong July 13, may kabuuang 100,911 na indibidwal na ang fully vaccinated sa lungsod, na katumbas na ng 50 percent ng mga nabakunahan na ng first dose na nasa 202,222.

Aabot naman na sa 303,103 ang COVID vaccines na nai-deploy na sa Pasig, kung saan halos 66 percent ay Sinovac doses.

Mayroon namang halos 50,000 na ring naiturok na AstraZeneca vaccines sa lungsod, na sinundan ng 49,000 na Pfizer, at higit 1,000 Gamaleya Sputnik V.

Patuloy na hinihimok naman ng pamahalaang lungsod ang mga residente nitong di pa nababakunahan, na magrehistro na COVID-19 Vaccination Program sa pamamagitan ng PasigPass Site: https://pasigpass.pasigcity.gov.ph/