Higit 100 indibidwal, huli sa paglabag sa MECQ sa Taytay Rizal

Aabot sa 110 indibidwal ang nahuli ng law enforcement team ng Taytay, Rizal, sa magdamag na pagpapatrolya sa bayan.

Sa ulat ng Taytay Philippine National Police (PNP), karamihan sa mga nahuli ay lumabag sa modified enhanced community quarantine (MECQ) guidelines, at local ordinance sa hindi pagsusuot ng face masks, face shields, at unauthorized person outside residence.

Magpapatuloy naman aniya ang Oplan Sita sa Taytay, para sa mahigpit na implementasyon ng minimum public health standard protocol.

Base sa pinakahuling COVID update, aabot sa 469 ang COVID-19 active cases sa Bayan ng Taytay, na ikalawa na sa may pinakamataas na kasong binabantayan sa buong Lalawigan ng Rizal.